
Current Projects:
Journalism:
Nilalaklak ng AI ang ating Yaman at Dinudura itong may Bahid ng Kasiraan
Bagamat isang makapangyarihang imbensyon ang Artipisyal na Katalinuhan (AI), hindi maikakaila na may kaakibat itong malalalim na epekto sa ating mundo. Mula sa panganib sa kaligtasan ng personal na datos hanggang sa pagbaba ng antas ng kritikal na pag-iisip ng tao, isa pang hindi gaanong napapansing epekto nito ay ang mabilis na pagkaubos ng ating mga likas na yaman, partikular na ang tubig at enerhiya.Ang AI ay nangangailangan ng malalaking data center upang maproseso at mapanatili ang milyong-milyong impormasyong ibinibigay ng sangkatauhan. Ang mga server sa data center ay patuloy na nagpapatakbo upang magbigay ng serbisyo, at habang tumataas ang workload, tumataas din ang konsumo ng kuryente at init na nalilikha nito. Upang maiwasan ang sobrang init, gumagamit ang mga data center ng tubig-tabang sa cooling system.Ayon sa Environmental and Energy Study Institute (EESI), umaabot sa 5 milyong galon ng tubig ang nagagamit ng mga data center kada araw, na nagdudulot ng malaking presyon sa mga reserba ng tubig-tabang sa isang lugar. Bukod dito, ang tubig na nagagamit sa cooling system ay naglalaman ng mga kemikal, at kadalasan ay hindi ganap na nalilinis bago ito ilabas, kaya nagkakaroon ng polusyon sa kapaligiran.Hindi rin biro ang konsumo ng kuryente ng AI. Ayon sa International Energy Agency (IEA, 2021), 1% ng global demand sa kuryente ay ginagamit ng mga data center, sapat na upang magpailaw sa 7–8 milyong bahay sa buong mundo. Sa bawat dagdag na gumagamit ng AI, tumataas ang enerhiyang kinakailangan, na kadalasan ay mula sa fossil fuels, na naglalabas ng carbon dioxide at nagpapalala sa climate change. Ayon sa National Geographic, humigit-kumulang 80% ng enerhiyang ginagamit sa buong mundo ay mula sa fossil fuels, kaya bawat tanong o utos sa AI ay may kasamang carbon footprint.Bukod sa kapaligiran, may epekto rin ang labis na paggamit ng AI sa kritikal na pag-iisip at pagkamalikhain ng tao. Ayon sa mga pag-aaral, mas mataas ang marka ng mga estudyanteng hindi umaasa sa AI kumpara sa mga gumagamit nito, dahil sa immediate gratification na dulot ng AI. Ang agarang pagbibigay ng sagot ay nilalagpasan ang proseso ng malalim na pag-iisip, beripikasyon, at analisis na mahalaga sa pag-unawa ng impormasyon.May epekto rin ito sa ating personal na datos at seguridad. Ang AI ay kadalasang gumagamit ng impormasyon ng tao nang walang pahintulot, na nagdudulot ng panganib sa privacy. Sa pamamagitan ng paglimita sa paggamit ng AI, nababawasan ang tyansa ng pag-access ng mga hacker sa ating datos, at napapalakas ang proteksyon laban sa digital na panlilinlang.Ang AI ay hindi lamang tungkol sa pagpapadali ng trabaho o pagpalit sa mga kakayahan ng tao. Isa rin itong dahilan ng pagkaubos ng likas na yaman at panganib sa kalikasan. Bilang mga mamamayan ng mundo, may tungkulin tayong magpasiya kung paano at kailan gagamitin ang AI, nang sa gayon ay mapanatili ang balanse sa pagitan ng teknolohiya at kalikasan.Ayon sa mga eksperto, ang bawat Google search ay naglalabas ng carbon dioxide na sapat upang mapailaw ang isang ilaw sa loob ng 60 segundo. Ibig sabihin, bawat utos o query sa AI ay may kasamang environmental cost. Sa simpleng pag-iingat at limitadong paggamit, maaari tayong makatulong sa pagpapababa ng epekto nito sa mundo.Sa huli, ang AI ay isang makapangyarihang kasangkapan na dapat gamitin nang may katwiran at responsibilidad. Nakalilikha man ito ng kaginhawaan, hindi dapat natin kalimutan ang likas nating katalinuhan at ang pangangalaga sa kalikasan, dahil sa huli, ang ating mundo at ating isip ang tunay na yaman na hindi dapat abusuhin.
Pekeng Parcel? Paano Mo Ma-rerefund Kung Shipping Pa Lang?
Madalas nating marinig ang mga notipikasyon mula sa mga onlayn na mga pamilihan sa ating paligid. Mula sa bahay hanggang sa ating mga silid-aralan, minumulto tayo ng tunong ng ating mga paparating na bilihin. Pero sandali, bakit biglang may dumating kung paparating pa lamang ang ating pinamili?Ito ang bagong iskam na kumakalat ngayon sa mga onlayn na pamilihan. Ang mas malala, kadalasan ay pekeng mga bagay pa ang mga pinapadala, na hindi mo ma-refund dahil nakalagay na "shipping" pa lang.Gumagana ang iskam na ito sa isang proseso na mahirap malaman ng isang mamimili. Kapag bumili ka ng isang produkto sa isang onlayn shop, magpapadala sila ng pekeng mga bagay sa ilalim ng ibang pangalan sa iyong adres. Hindi magpapakita na pinapadala na ang produkto sa iyong account dahil hindi nila i-uupdate ang impormasyon ng iyong parcel. Matapos ang ilang araw, ang pekeng produktong ito ay darating sa mamimili, at hindi nila ito kayang ma-refund dahil hindi inupdate ng nagbebenta ang impormasyon ng iyong parcel.Ayon sa isang representatibo ng Lazada, madalas itong gawin ng mga nagbebenta upang makakuha ng pera sa paraang hindi makakapag-refund ang mga mamimili. Kung ganito ka-utak ang mga namemeke, paano nga ba tayo dito makaka-iwas?Bagama't madalas na sabihin ng marami na maging mapanuri, nagagawa pa rin ng mga namemeke na manloko ng mga tao. Dapat tayong maging mapagmatyag at tumingin ng mabuti sa ating tinitingnan. Narito ang ilang mga bagay na dapat tandaan sa pamimili.Suriin ang kredibilidad ng nagbebenta. Isang paraan upang malaman kung peke ang nagbebenta ay ang pagtingin sa mga produktong kanilang binebenta. Kung may mga paninda silang wala o kakaunti pa lamang ang bumibili, mataas ang tyansa na sila ay namemeke.Pansinin ang titulo ng produkto. Ang mga titulong agaw atensyon, maningning o may kung ano-anong simbolo ay madalas na ginagamit upang pukawin ang interes ng mga mamimili.Tumingin sa presyo. Kung masyadong mura ang presyo para sa produktong binebenta, malamang na ito ay isang patibong. Madalas na pinagsasamantalahan ng mga namemeke ang pagtitipid ng mga tao upang makapanloko, kinukuha ang kanilang atensyon sa pamamagitan ng mga presyong hindi ganoon kabigat sa bulsa. Bagaman meron talagang mga produktong ibinebenta sa maliit na presyo, hindi lahat ay totoo.Tingnan ang mga komento. Isang mahalagang aspekto sa pagsusuri ng mga produkto ang mga komento ng mga taong nakabili na nito. Sa kabila ng pagiging matulungin nito, kaya ring mapeke ang mga kumentong ito. Kaya kung titingnan ang mga ito, dapat na tingnan kung pare-parehas ba ng mga petsa ang mga komento. Tingnan din kung pare-parehas ang kanilang mga sinasabi, o ang mga larawang nilagay nila dito. Isa ring tanda na peke ang mga komento ay ang wikang ginagamit ng mga ito. Kung puro Ingles o nasa iisang wika lamang ang mga komento, dapat ka nang mabahala.Kilatising mabuti ang mga larawan. Kahit na mukhang pare-pareho ang mga larawan ng produkto at mga larawan sa komento, ay hindi ibig sabihin na iisang produkto ang mga ito. Kung may mga maliliit na mga pagbabago gaya ng iba-ibang lokasyon ng mga pindutan, hindi pareparehong mga disenyo, o paiba-ibang mga teksto, may posibilidad na ito ay isang pekeng produkto.Kung nakarating na ang produkto, maaari itong tanggihan o hindi bayaran. Ngunit kung ito ay gagawin, mahalagang maglaan ng ebidensya upang ikaw ay mapawalang-sala.Kapag ito naman ay nabayaran na, may mga paraan pa rin upang ito ay ma-refund. Kunan ng video ang iyong pagbubukas, upang magkaroon ng ebidensya na hindi ito pinalitan ng ibang bagay. Pagkatapos, kausapin ang customer service tungkol sa iyong padala, at ipaliwanag ang iyong sitwasyon. Sundin ang kanilang mga instruksyon kung ano ang gagawin upang mabawi ang iyong ipinambayad.Kapag maaari, pwede ka ring makipagtulugan sa mga naghatid ng iyong parcel, upang malaman kung sino ang nagpadala at saan ito nagmula.Hindi dapat laging saya o pananabik ang ating nadarama sa tuwing naririnig natin ang notipikasyon ng ating mga binili mula sa mga onlayn na mga pamilihan. Kailangan nating maging wais, at maging mas matalino pa kaysa sa mga nang-uutak sa atin, upang maiwasan natin ang pagkadismaya mula sa mga pekeng mga pinadala.

A lone moth offers himself as a rentable boyfriend for people to practice on how to be a good partner to their future partners. No matter how bad it gets, so long as it's paying, it's worth it, right?



